Sobrang hirap kapag ang nakikita mo lang ay ikaw ‘yung lumalaban at umiintindi ngunit yung taong pinaglalaban at pinagtitiisan mo, lumalaban din. Minsan kailangan din nating lawakan ang isipan sa mga bagay na mas kailangang pagtuunan ng pansin. ‘Yung mas alam mo na ikabubuti niyong dalawang magkaibigan pero ni isa sainyo, takot (?) o ayaw lang talaga magsalita kasi baka maulit lang o ‘di kaya ayaw balikan ang sakit na nadama.

'Diba dapat kalmado lang ang isang relasyon ng pagkakaibigan? Kasi nga magkaibigan kayo. Iintindihin niyo at tatanggapin kung ano ang isa't isa at handang i-ayon ang sarili sa kanya.
Pero bakit dumarating yung oras na pakiramdam mo parang inaabuso ka na? Kumabaga wala kang karapatang magsalita sa lahat ng oras at bagay? Masakit kaya ang mabalewala lang. Mga simpleng tagumpay na nakamit mo, ‘di makuhang suportahan o bigyang pansin. Bakit ganon?

Bakit hindi maging give and take? Ang sakit kasi. Bakit parang tinataboy ka lang palagi? Ramdam mo yung pagiging unwanted. Bakit di mag-usap?

Kilala mo na kung sino ka eto mensahe ko. “Sorry na naman ulit kasi naramdaman mong op ka na naman. ‘Di ko kasi talaga alam kung ano yung i oopen up na topic. Puro nalang ako sorry. Para bang ako nalang palagi yung mali sayo. Hindi ko naman kasi talaga alam kung ano ba ang dapat kong sabihin kapag magkakasama tayong tatlo. Ano nga ba? Bakit ‘di kaya ikaw naman ang mauna? Magkakaibigan naman tayong tatlo nung una palang? ‘Wag kang matakot sumingit sa usapan kasi ‘di naman mali ‘yon. Yung mga ganitong bagay ‘wag na natin i-big deal. Pakiusap lang sana. Para less drama sa friendship. ‘Diba? Pero kung ayaw mo naman, ikaw na bahala. Pero dahil sa ganito lang masisira yung pinagsamahan?”